Kanina ay binabasa ko ang mga entries sa ygroup ng batch namin nung high school. Sa isa sa mga posts ay merong tungkol sa everlasting life. Biglang naglaro ang utak ko, at nagreply sa message na iyon. Gusto kong i-share dito 'yung naging reply ko:
Kung ililibing man ako, sana pati kaluluwa ko ay kasama sa libingan. Sana pati kaluluwa ko ay kasamang mabaon sa ilalim ng lupa o makulong sa loob ng nitso. Babawalan ko ang aking kaluluwa na lisanin ang aking laman. Sakali mang i-cremate ako, sana ay kasamang masunog ang aking kaluluwa. Para kasing ang hirap-hirap ng kaluluwa nang walang laman, kung paanong ang hirap-hirap ng laman nang walang kaluluwa.